top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Ano ang kulay ng itlog mo?

Mas healthy ba talaga ang BROWN eggs kesa sa WHITE eggs? Kung ikaw ay isa sa matagal nang nalilito kung ano nga bang ipinagkaiba nila eh eto na ang sagot na hinahanap mo

PRICE DIFFERENCE The supermarket price of a dozen of BONUS White Eggs is P96 (or P8/pc) while the price for a dozen of MAGNOLIA Brown Eggs is P150 (or P12.50/pc). At dahil sa medyo mas pricey ang brown eggs, ang iniisip tuloy ng karamihan ay mas healthy ito kesa sa white eggs. Pero totoo ba yun? Pag mas healthy mas mahal at pag mas mahal ay mas healthy? Ituloy pa ang pagbabasa kung gustong malaman... wag TLDR


REASON FOR CONFUSION Ang totoong rason kung bakit nagiging brown ang itlog ay dahil sa genes or breed ng manok. May mga manok na sadyang mas mataas ang brown pigmentation na napoproduce sa mga eggs nito. Mas mahal nga lang ang cost of production ng brown eggs dahil mas maraming feeds ang kailangan ng mga brown egg-laying hens, kung kaya mas mahal din ang retail cost nito. At dahil mas mahal, somehow na-“brand” narin na “mas healthy at more natural” ang BROWN eggs.


NUTRIENT CONTENT Ang totoo ay parehas lang na healthy and nutritious ang brown at white eggs. Walang significant difference ang kanilang nutrient quality maliban nalang kung mas maganda ang farming environment at fortified with nutrients ang feeds na ipinakain sa brown egg-laying hen. And given na all farming conditions are equal, narito ang kanilang nutrition info base sa USDA Food Composition Database:

ANO NAMAN ANG MGA SPECIALTY EGGS?

OMEGA-3 ENRICHED EGGS Ito yun mga eggs na galing sa manok na may high omega-3 diet. Ang omega-3 fats ay may anti-inflammatory at cardio-protective effect ngunit, kalimitang mababa sa diet ng isang tao. Ayon sa mga studies, maaring makapagpataas ng omega-3 levels sa katawan ang pagkain ng omega-3 enriched eggs.


ORGANIC EGGS Ito naman yun eggs na mula sa manok na pinakain solely ng organic feeds at hindi binigyan ng antibiotics or hormones. Note: May international legislation ang Food and Agriculture Organization (FAO) of the UN na bawal ang pag gamit ng kahit anong may DES hormones sa animal and poultry farming (AO 194- DOH) So technically speaking, if the poultry farmer is law abiding, WALA DAPAT HORMONES ang kahit anong egg (at poultry). In terms of nutrient content, wala pang proof so far na lamang ang organic eggs sa regular eggs.


CAGE-FREE EGGS Ito naman ang mga eggs na galing sa manok na may mas maayos na farming condition, yun hindi sila nakalagay sa masisikip na kulungan at kahit paano ay medyo nakakagalaw. Pero wala din difference masyado ang nutrient quality ng cage-free eggs kung hindi naarawan ang manok di tulad ng free range poultry.


FREE-RANGE EGGS Ito naman ang eggs na galing sa manok na may mas “malayang” farming set up na kung saan ay mas nasisikatan ng araw ang manok at syang nagpapataas ng Vitamin D content ng free-range eggs.


PRACTICAL ADVICE Ultimately, lahat ng klase ng itlog ay healthy at magandang source ng QUALITY PROTEIN. Para sa akin, kung nagte-take ka naman ngayon ng vitamin and mineral supplement as precautionary measure for COVID-19 at laging mataas ang intake mo ng fruits and veggies eh hindi na kailangan ng specialty eggs para lang mag-increase ang intake ng nutrients na meron sa kanila. White or brown egg, KUNG ANONG TRIP MO, PAK YAN!


Nag aalala ka ba sa cholesterol content ng itlog? Watch my video here:


12 view0 komento

Comments


bottom of page