top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Body Fat Analyzers: Gaano ka-accurate at ka-reliable?

Ang sabi sa hawak ni Ma’am: “I lost 1.1kg of body fat in 60 minutes”. Sa totoo lang maraming nag-react dito, dahil parang ang nakasulat kasi ay: “I lost 11kg of body fat in 60 minutes”.

Sorry Ma’am, pero gamitin muna kitang example Hindi ko po sya client pero kumakalat ngayon ito sa social media na post ng isang Performance Gym. Gusto ko lang po na magsilbi itong isang babala at kapulutan natin ng aral moving forward.


Samu’t-saring computations, “science-y” explanations, at kung ano pang opinions ang mababasa kung bakit impossibleng mangyari ang (1) fake news na 11kg weight loss in 60 min or (2) ang totoong 1.1kg weight loss in 60 minutes.


Hindi ko na dadagdagan yung mga sinabi nila, pero gusto ko lang i-share sa inyo kung ano ba talaga dapat ang MINDSET OR PERSPECTIVE natin pag nakakakita tayo ng mga ganitong BODY FAT ASSESSMENT RESULTS.


Ayon sa review paper na Current Status of Body Composition Assessment in Sport: “Despite considerable advances in methods, today there is still no gold standard for body-fat assessment with accuracy better than 1 %.”

Ang skinfold testing, o ang caliper testing ay ang conventional na paraan para malaman ang body fat percentage ng isang tao.

Ibig sabihin, lahat ng body fat assessment tools na ginagamit natin ngayon, gaano man ito ka-conventional (tulad ng skinfold technique) or ka-advance (tulad ng BodPod or DXA scan ay estimated or assumptive body fat levels lang ang numbers na maibibigay nito sa atin.

Ang BOD POD ay gumagamit ng Air Displacement Plethysmograph (ADP) para malaman ang body composition ng isang tao (the ratio of fatty mass to lean mass)


Hindi ito yung talagang super actual na body fat percent ng isang tao. Maging ang DXA scan na kalimitang ginagamit ng mga first-world countries sa pag-assess ng body compostion ng mga world class athletes, ay sinasabi din na “not reliable in producing accurate fat estimates of lean athletes, although its assessment of total and regional fat-free mass is generally acceptable if total scanned mass equates to scale mass”.

Ang DXA o dual-energy x-ray absorptiometry ay ang madalas na ginagamit na

pang assess ng body composition ng mga atleta sa mga first world countries.


At dahil limited lang ang availability ng DXA sa mga developing countries tulad ng Pilipinas, mas naging uso dito sa atin ang mga Bioelectrical Impedance Analysis (BIA) machines or scales para makapag-assess ng body composition or malaman ang body fat percent ng isang tao dahil mas affordable, mas portable, at mas madaling gamitin.


Pero wag ka, mas lalo natin kailangan maging alerto!


Pag dating sa ASSESSMENT OF BODY FAT PERCENT, ayun sa same review paper: “In a careful comparison between BIA and skinfolds… both methods predicted percentage of body fat with a standard error of estimate (SEE) of 3.5%”

Meaning, kung ang BODY FAT READING na nakuha mo ay 8% gamit ang BIA machine (tulad ng mga kilalang brands ngayon na Tan**a at Inbo**), ang actual fat percent talaga ay nasa pagitan ng 5% at 11% body fat. Ito ay isang malaking assumptive data lalo na kung sa athletes ito gagamitin.


At eto pa…”a further limitation of the BIA method for athletes lies in the measurement pre-requisites, which include abstaining from exercise”. Ano daw? ABSTAINING FROM EXERCISE!!! Huwag magsukat ng body fat gamit ang BIA machines or scales after mag-exercise… at dun nag-kamali sila Ma’am or kung sino man ang nag-guide sa kanya.

NOTE: Mas magkakaroon ng value ang body composition readings (values other than body weight such as body fat, body water, segmental body fat values, etc.) kung gagawin ito sa umaga pag-kagising at hindi pa nakakain or nakainom at hindi pa nakapag-exercise.

Sa totoo lang, ang pagpili ng body composition analysis technique ay naka-base sa kung para saan gagamitin ang data at sa available technology. Kung ito ba ay gagamitin para lang:

  1. ma-track ang changes sa katawan ng isang tao or

  2. para i-assess ang effectiveness ng isang exercise or nutrition program, in which case hindi effectieve ang BIA machines sa purpose number 2.

Ako man ay nag-papagamit din ng BIA machines sa aking mga clients to track changes in body composition measurements but I always treat the data with caution.


Peace!


Reference: Ackland et al.,(2012). Sports Med: 42 (3): 227-249.

12 view0 komento

Comments


bottom of page