top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Butter vs Margarine: Alin ang mas healthy?

Isa ka ba sa mga nalilito? Minsan mo bang inakala na ang DARI CREME ay BUTTER o baka hanggang ngayon ay ito parin ang alam mo…. Pero ang totoo po, ito ay MARGARINE at hindi butter.


Nung bata ako paboritong paborito ko ang meryendang hinahanda ng lola ko… yung mainit na pandesal na nilagyan ng “butter” na dari creme sabay isasawsaw ko sa mainit na kape ng lola ko. Nuon talaga ang buong akala ko ay totoong butter ang dari creme.

Nalaman ko nalang na may pagkakaiba pala ang butter sa margarine nung nasa college na ako at kumukuha na ng kursong Nutrition. At ang pagkakaiba nila ay hindi lang sa packagingkundi sa price, ingredients, lasa, at epekto sa katawan.


PRICE Ang SRP ng isang 200g brick ng margarine ay nagkakahalaga ng P52.75 samantalagang ang 225g butter naman ay P132.75. Ang dalawang products na ito ay mula sa parehas na food company. At ang isang rason ung bakit napaka-laki ng difference sa presyo ay ang kanilang main ingredients.


INGREDIENTS Ang MARGARINE ay kalimitang gawa sa plant-based fats or vegetable oils. Tulad nitong Dari Creme, ang main ingredients ay coconut at palm oils na hinaluan ng buttermilk powder at iba pang flavorings, additives, and preservatives. Ang BUTTER naman ay gawa sa animal fat na hinaluan ng skim milk powder at iba pang additives tulad ng nasa (Magnolia) Gold Butter.


TASTE At dahil totally different ang kanilang main ingredients, ito ang main reason kung bakit magkaiba ang kanilang lasa… syempre mas creamy and milky ang butter. Samantalang medyo light but with a touch of creaminess ang lasa ng margarine.


HEALTH EFFECTS Sa totoo lang, laging may dispute patungkol sa health effects ng butter vs margarine. Kailangan natin tandaan na ang nutrition science po ay constantly evolving. At base sa current available information, para sa mga taong may cardiovascular-related medical conditions, mas mainan na piliin ang margarine dahil ito ay mula vegetable fats/oil na mababa sa cholesterol at mataas sa unsaturated “good” fats tulad ng PUFA at MUFA na nakakapagpa-baba ng LDL or “bad” cholesterol.


Samantalang ang butter naman na gawa sa animal fat ay naturally na may dietary cholesterol (30mg cholesterol per 1 tablespoon butter) at mataas din ito sa saturated fat na maaring makapagpa-taas ng LDL or “bad” cholesterol lalo na kung sobrang dami ang kinakain mo nito. Ngunit sa ngayon, meron din ilang pag-aaral ang nagsasabing nakakapag-pataas din ng HDL or “good” cholesterol ang butter. (Kaya sabi ko medyo magulo pa eh )


CONTROVERSY SA MARGARINE Sabi ng ilan ay hindi din naman healthy ang margarine kahit ito ay gawa sa vegetable oils dahil ito daw ay may trans-fats. Ano naman ang trans-fats? Ang trans-fats ay ang klase ng fats na nabubuo kapag nag-undergo ng processing (or hydrogenation) ang vegetables fats/oils para mas maging stable at solid ito sa room temperature. Sapamamagitan ng hydrogenation process, mas tumatagal din ang shelf-life ng mga vegetable oils/fat. Ang downside lang nito ay nakakapagpa-taas ng LDL (“bad”) at nakakapagpa-baba ng HDL (“good”) cholesterol ang trans-fats.

Kung kaya, kailangan maging alerto din tayo bilang mga consumers at tignan ang nutrition information at labels ng bibilhin ninyong margarine. Dapat ito ay: trans-fat free at walang hydrogenated oils/fats sa ingredients list

NAKAKALITO NEMEN… SO WHEN TO USE EACH? Kung mas type mo ang mas light lang na lasa or kung nagtitipid ka piliin mo nalang ang margarine. Pero kung type mo ang milky at creamy taste at may budget ka naman eh di mag-butter ka nalang. Kung sa baking-baking, sa chef nalang po itanong LOL!

Kung concern mo naman ang health mo, ang totoo ay MODERATION IS THE KEY. Kung ang pag-consume mo ng butter or margarine ay hindi sobra-sobra at within your FAT ALLOWANCE, then wala ka kailangan ikatakot sa cholesterol at overall health mo.


Full disclosure: I am not sponsored by this company. Pero kung gusto nyo ako sponsoran, pwede rin

1,519 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page