Minsan na bang sumagi sa isip ninyo na gumamit ng fat burner supplements dahil sa kagustuhang mag-lose agad ng weight?
Kaso, anjan yung takot na baka ito ay delikado pero sa kabilang banda naman ay na-eenganyo din kayo ng mga advertisements dahil sa nakikita ninyo na ang dami din ng pumapayat dahil sa pag-inom ng mga fat burner or weight loss supplements na ito.
Ang L-carnitine (or carnitine) ay isang vitamin-like substance na maaring makuha mula sa red meats at dairy products. Ito rin ay maaring ma-synthesize sa ating liver at kidneys mula sa amino acids na methionine at lysine. 98% ng carnitine sa katawan ay makikita sa ating skeletal at heart muscle tissues.
Ang rason kung bakit sikat na sikat ang L-carnitine bilang isang pangpapayat na supplement ay dahil sa sinasabing ito ay may kakayanan na makapagpabilis ng fat metabolism, makapagpa-baba ng fat mass, at makapag-pataas ng muscle mass.
Ang primary role ng L-carnitine ay tulungan ang long-chain fatty acids na makapasok sa inner part ng ating mitochondria (cells) kung saan ito ay magagamit as energy especially during an overnight fasted state or during low to moderate intensity exercise.
At dahil dito, naisip tuloy na kapag regular na nag-supplement ng carnitine via oral supplementation, ay tataas din ang carnitine level sa muscles— which means mas makakatulong daw sa pagpapabilis ng transport ng long-chain fatty acids na kinalaunan ay magdudulot ng mas marami pang fat na masusunog sa katawan.
Pero alam nyo mga friends, hindi ganito ang sinasabi ng mga pag-aaral.
Nakita sa dalawang pagaaral na ang supplementation ng 4g at 6g ng carnitine sa loob ng dalawang linggo ay hindi nakakapag-pataas ng muscle carnitine levels (3).
At take note lang din na ang isang kilalang brand ng inumin na may L-carnitine daw ay may 900mg ng L-carnitine. So kung yung 6 grams or 6000 mg ay hindi nakakapag-pataas eh paano pa kaya ang 900 mg.
Ngayon sa isang mas makabagong pag-aaral naman, nakita na ang l-carnitine supplementation together with carbohydrate feeding ay maaring makapag-pataas ng l-carnitine muscle content. Ngunit ito ay nangyari lamang nung nag-supplement (700ml drink) ng 2g ng carnitine kasama ng 80g ng carbohydrates (katumbas ng 16 teaspoons ng sugar sa loob ng 24 weeks. At ang 80g ng carbohydrates ay nagkakahalaga ng 320kcal.
So, dapat pa ba kayo uminom ng l-carnitine supplement? Kung ako ang tatanungin nyo, syempre ay hindi na kailangan dahil ito ay extra na calorie intake lang at counterproductive kung weight loss ang goal mo. At makikita din naman sa mga advertisement ng mga l-carnitine supplement ang fine print na: with proper diet and exercise. So parang inamin narin ng mga manufacturer ng l-carnitine weight loss drinks na ang resulta na nakikita natin sa advertisement ay posible lamang kung kayo ay mag-eexercise lagi at kakain ng tama.
Comentarios