top of page

Carb Manipulation: A Common Sense Approach to Body Composition Improvement

Larawan ng writer: Coach Jeaneth AroCoach Jeaneth Aro

Tayong mga Pinoy pag kumain ng main meals kailangan laging may kanin. Pag meryenda naman laging may tinapay at kadalasan may kapares pang softdrinks. Ito nga ba ang dahilan kung bakit hirap na hirap tayong mga Pinoy na magbawas ng timbang?

Healthy carbs, fitness gear, a weighing scale, and tape measure, symbolizing balance in food and fitness.

I’m sure na mag a-agree kayo na nakasanayan na talaga nating mga Pilipino ang SIMPLE CARBS HEAVY dietary pattern… na sa tingin ko ay isang rason kung bakit dumarami sa atin ang nag-kakaproblema sa kalusugan WITH OR WITHOUT WEIGHT GAIN…kasi meron din mga SKINNY FAT.

Sa experiences at mga natutunan ko in handling weight management clients, ang combination ng PHYSICAL ACTIVITY at CARBOHYDRATE MANIPULATION ang isa sa pinaka-mainam na paraaan upang ma-achieve ang body composition and some health goals— but of course with adequate calorie prescription and protein allowance.

Sa tingin ko ang typical carbohydrate reco na  55-70% of total calorie allowance ay kalimitang sobra sobra at maaring isang dahilan kung bakit karamihan ng Pilipino ay may EXCESSIVE CONSUMPTION of SIMPLE CARBS.


Lalo na yun mga hindi kumukonsulta sa dietitians, hindi nila napapansin na ganun narin kataas at may imbalance pa sa nutrient intake nila.


Sa totoo lang, higher carb intake is ONLY JUSTIFIED by the amount of physical activity that a person does. Without exercise, a high carb diet is unnecessary and at times detrimental to health especially if it is from ultra processed, simple carbohydrates.

Focused woman in a purple top lifting dumbbells in a modern gym with bright natural light.

DISCLOSURE lang mga friends: I am not an advocate of no or LOW CARB DIETS but I promote a carb-controlled diet.


Kung ang routine mo maghapon ay mostly sitting, nakatapat sa computer, at hindi masyadong nagkikilos tulad ng mga office workers, online sellers na may employees na nag-aasikaso ng heavier tasks, house wife na may helper sa bahay, college or post-grad students and teachers na maghapon nasa online class, CARB-CONTROLLED diet ang kailangan mong sundan.


Piliin ang mga whole complex carbs tulad ng kamote, saba, oats at i-concentrate ang intake sa umaga. At sa hapon at gabi, pwedeng wala nang starchy carbs kumain nalang ng mas maraming leafy veggies dahil matutulog ka nalang naman. Syempre sa lahat ng meals dapat may SAPAT na low to moderate fat protein foods.

Close-up of freshly harvested purple sweet potatoes with earthy skin and vibrant color.

Ngayon, kung gusto mong mas maraming carb portions, eh kailangan magexercise para mas ma-stimulate ang carb usage ng muscles at maiwasan ang unnecessary weight gain lalo na kung WALA SA LAHI NINYO ANG PAYATIN. 


So para sa akin HINDI KAILANGAN na may carbs (lalo na ang simple carbs) every single meal, especially kung wala kang physical activity. Learn to adjust you carb intake according to day to day activities. Carb control for better health is the key!





23 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page