top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Cheat Day on a Payday Friday?

Whenever my clients ask me if they have a cheat meal or cheat day I NEVER SAY NO. Dahil alam ko na hindi lang nutrition ang pinag-uusapan dito, kasama narin ang cultural, psychological, at social aspects sa buhay ng isang tao.

Ang mga tabi tabing "Samgyeopsal" na usong uso ngayon ay ang kadalasang pinupuntahan at pinipilahan ng mga tao sa tuwing sasapit ang Payday. Sa area ng tinitirhan namin ay merong limang Samgyeopsal restaurant na!


Heto ba ang mga nararanasan mo sa tuwing papalapit na ang araw ng sweldo?:

  1. Ilang araw kang nagtiis sa petsa de peligro, at sa araw ng sweldo gusto mo naman mag-enjoy…

  2. You’ve been eating “clean” with your home cooked meals or diet delivery and you just want to have a break…

  3. Sa buong linggo puro trabaho ang inatupag mo, kaya sa last workday of the week, gusto mo naman mag-chill kasama ang kaibigan or pamilya mo…


Yes tama ang tingin mo! Umiinom din ako ng napakasarap at over the top ang sugar content na milk tea! Tulad niyo, it's not as if everyday ako umiinom nito. But what I probably do differently is I share the calories with either my hubby or any of my 2 kiddos. Sa totoo lang...medyo malaki kasi siya.


Hindi ka nag-iisa kapatid. Halos lahat ng naging cliente ko at ginawan ng nutrition program, whether athletes or non-athletes, CHEAT MEAL ang laging pahabol na tanong sa akin.

Sa totoo lang, kung tayo ay REGULAR na sumusunod sa isang tamang dietary regimen na akma sa pangangailangan ng isang tao considering ang:

  1. day to day activities

  2. exercise frequency, duration, and intensity

  3. medical condition, if any

ay masasanay na talaga ang katawan natin sa tamang dami ng pagkain na dapat kainin. Maging ang ating awareness and preference sa pagpili ng healthy foods ay nagiging natural na. Kung kaya’t mangyari man na piliin ng isang tao na mag-cheat meal or cheat day ay normal na mag-aadjust ang katawan upang ma-process ng maayos ang extra food na kinain natin.

Yes, makakaranas tayo ng temporary bloating, konting pag-bigat dahil sa water retention, at acute increase in insulin levels, ngunit ang lahat ng ito ay babalik sa usual levels basta’t bumalik lang agad sa tamang pagkain or usual routine.


Ultimately, it is the consistent effort that you do that produces the result(s) that you may or may not want. So if you want progress, then choose to do the right thing consistently.


Remember, a single “unhealthy” meal will not make you fat as much as a single hardcore workout session will not make you fit.
10 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page