Tayong mga Pilipino maraming pamahiin. At maging hanggang sa pag-eexercise ay nadadala din natin ang ilan sa mga pamahiin na ito. Kahit ang pag-inom ng malamig na tubig ay hindi narin pinatawad!
Sabi kasi ng ilan, bawal uminom ng malamig na tubig pag nag-exercise or pag pagod dahil baka daw mapasma. Pero alam nyo ba mga friends, ang pag-consume ng malamig na inumin ay mayroong naidudulot na benefits sa performance lalo na kung ang exercise or competition ay gagawin sa isang mainit or humid na environment/lugar. Exercising in the heat can affect performance negatively (1) because of:
changes in cardiovascular and central nervous system function
rise in core temperature
potential for earlier onset of fatigue
Narito ang ilang benefits ng peri-exercise consumption of cold fluids:
BEFORE EXERCISE: Makakatulong ang pag-consume ng malamig na inumin upang mas maihanda ang katawan sa gagawing exercise lalo na kung ang exercise session ay gagawin sa isang mainit and maaraw na lugar o di kaya’y humid na environment.
DURING EXERCISE: Nakakatulong naman ang paginom ng cold fluids lalo na para sa mga endurance athletes upang mas maging kumportable ang kanilang pakiramdam although not necessarily mas napapababa ang core temperature ng katawan (lalo na kung di naman masyadong mainit at kahit papaano ay mahangin).
AFTER EXERCISE OR DURING BREAKS OR IN-BETWEEN MATCHES: makakatulong ang pag-inom ng cold fluids upang mas mapabilis ang pag-papababa ng core temperature na syang maaring magbigay daan upang mas lalong tumagal or mapatagal ang kakayanan na makapag-exercise lalo na kung nasa isang mainit na lugar ginagawa ang laro or training. Halimbawa nito ay sa mga sports na mayroong regular breaks tulad ng basketball, tennis, football or soccer.
Makakatulong din ang mga cold drinks upang mapababa ang rate of perceived exertion (RPE) sa mga pagkakataon mataas ang intensity ng training (>65%VO2 max) at mapaimprove ang overall “thermal comfort” level ng athlete.
So tandaan na hindi masama na uminom ng malamig na tubig o sports drinks before, during, and after exercise lalo na kung kayo ay sa mainit or humid na lugar nageexercise. Sa halip ay mayroon pa itong maitutulong para sa inyong exercise performance.
References:
Commentaires