top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Extra rice please...

Isa sa nakaaliw na eating habits nating mga Pinoy ay ang pagkahilig natin sa kanin. Lalo na kung ang ulam ay adobo o di kaya ay sinigang. However, there is a confusion among us on what type of rice to consume. Ano ba talaga ang ok kainin? White rice? Brown rice? O ang forbidden rice or black rice?

Ang white rice ay ang pinaka-kilala at pinaka madalas nating kainin. White rice is highly refined, polished, and stripped of its bran and germ to improve taste, cooking time, and shelf life. Kaya lang pag tinanggal ang bran at germ kasama rin nawawala ang karamihan ng sustansiya ng bigas. Kaya maliban sa carbohydrates ay halos kaunti na lamang ang sustansiyang naiwan sa white rice.


Ang brown rice naman ay mayroon pang bran at germ. This variety of rice is unpolished and is considered whole grain. Medyo mas matagal nga lang siyang maluto compared sa white rice. At dahil meron pa siyang bran at germ, ang brown rice ay mayroon din fiber, approximately 3.5g per 1 cup. Kaya mas nakakabusog ang brown rice. Also, it has more B vitamins, Manganese, Phosphorus, Iron and Zinc compared to white rice. So talagang mas healthy siya compared with white rice. Medyo iba nga lang yung lasa niya.


Ang black rice naman, o tinatawag ding forbidden rice ay isa pang variety ng rice na hindi pa gaanong sikat sa ating mga Pinoy. Maaring alam natin na mayroon nito pero hindi pa ganoon karami sa atin ang kumakain nito. Alam niyo ba na kaya siya tinawag na FORBIDDEN ay dahil sa noong unang panahon ay tanging mga Chinese royalty lamang ang pwedeng kumain nito. Alam nila na napakasustaniya ng black rice at ito'y makakatulong upang maging healthy at humaba ang buhay ng sino mang kakain nito. Kaya ipinagbawal nila ang pagkain ng black rice sa mga ordinaryong tao at nilimitahan ang pagtatanim nito para lamang sa kunsumo ng mga Chinese royalty. Pero ngayon ito ay available na sa atin. Hindi nga lang siya masiyado pang kilala ng karamihan. Lahat ng sustansiya na nasa brown rice ay makikita rin sa black rice.

Sa katunayan hindi nagkakalayo ang kanilang nutrition profile. Ang pinagkaiba lang nila ay siyempre ang kanilang kulay. At dahil sa ang forbidden rice ay kulay black, ito ay mayaman sa ANTIOXIDANTS na Anthocyanin, ito yung purple-black pigment ng black rice. Ang mga anthocyanins ay makakatulong upang labanan ang mga heart diseases at cancers. And according to American Chemical Society, a spoonful of black rice bran has more antioxidant power than a spoonful of blueberries. So hindi mo na kailangan ng mga banyagang prutas para lang makakuha ng antioxidants.


Pag dating sa calories, hindi nagkakalayo ang white at brown rice. Pero ang black rice ay mayroon 160kcal/cup. Kung ako ang tatanungin ninyo, black rice ang kakainin ko on most days of the week dahil nga sa excellent nutrition profile niya. Maaring mas mahal siya pero dahil kahit konti lang kainin ko ay mabubusog na ako, so in the end mas makakamura parin at siyempre mas makakatulong sa pagpapapayat.

Pero sa mga araw na kakain kami ng adobo or sinigang halimbawa siguro mga once a week, eh white rice ang kakainin namin. siyempre ayaw ko naman masira ang typical pinoy experience ng pamilya ko diba?


Ngayon kung nahihirapan kayo na mag-switch sa whole grain, I suggest na i-mix niyo muna siya sa white rice para subtle adjustment to a healthier rice intake. Also remember, in moderation parin dapat ang consumption kahit na brown at black rice ang kakainin niyo because any food item consumed in excess can contribute to weight gain.

7 view0 komento

Comments


bottom of page