top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Paano kumain ng quinoa "Pinoy style"?

Marahil marami sa inyo ang nagtataka kung ano ba ang Quinoa (keen-wa). Ano ba yun? Napaka banyaga kasi pakinggan. Ang quinoa ay isang seed at hindi grain tulad ng bigas (rice), wheat, o oats. Para itong flax at chia (ano naman ito?!) na kadalasan ay ginagamit kapalit ng grains tulad ng bigas.

Paano kumain ng quinoa "Pinoy" style? Eh di ihalo natin sa Amalaya Guisado. Lunch for today is Airfried Paprika Chicken, Sauteed Bitter Gourd with Egg and Black Quinoa.


Ano ano ang mga health benefits nito?

  • Ito ay mataas sa protein. Meron itong 8 grams protein per cup. Ang dami ng protein na ito ay halos katumbas ng isang medium size na itlog o isang matchbox size ng karne o ng manok o ng isda.

  • Ito ay naglalaman ng lahat ng 9 essential amino acids (EAA). Hindi ito pangkaraniwan para sa isang plant based na pagkain. Kadalasan ay kailangan mo pang ihalo sa ibang plant foods ang plant proteins para makuha ang lahat ng 9 na EAAs.

  • Ito ay mataas sa antioxidant nutrients (lalo na ang colored quinoa) na nakakatulong magbigay ng proteksyon sa ilang uri ng cancers at upang labanan ang expected health decline dahil sa pag tanda (aging).

  • Ito ay mayaman sa important minerals tulad ng iron at magnesium at mataas din sa fiber kung ikukumpara sa white rice at iba pang refined grains.

Magkano ito? Ang ginagamit namin sa bahay ay naghahalaga ng P749/kg.


Dapat niyo bang isama ito sa diet niyo?

Kapag ako ay gumagawa ng nutrition programs para sa mga kliyente ko, hindi lang food habits ang kino-consider ko. Maging ang kanilang lifestyle, living conditions, at ang mga challenges nila ay tinitingnan ko din. Ang lahat ng ito ay kailangan i-consider bago isama ang isang uri ng pagkain.


So kung sanay ang isang tao sa mga simpleng pagkain at medyo tight ang budget, ang mga isasama ko sa nutrition program ay ang mga simple at nakagawian na kombinasyon ng ulam, kanin, at gulay na healthy ang pagkakahanda at pagkakaluto. Siyempre kasama na dito ang pagsama ng iba’t ibang uri ng prutas. Sinisigurado ko din na tama ang portions at regular ang schedule ng pagkain.


Para naman sa mga gustong sumubok ng quinoa, then yes magandang idagdag ito sa diet. Dahil sa dami ng nutrients at health benefits nito ay siguradong makakatulong ito hindi lang sa weight management, kundi pati narin sa pag manage ng mga medical condition o mga iniindang sakit.


Narito ang recipe ng ginawa kong Ampalaya Gisado with Quinoa:

Ingredients for 1 batch preparation:

  • 1 cup cooked quinoa (cooking method same as boiled rice)

  • 2 medium ampalaya, seeded and sliced thinly

  • 1 medium onion, chopped

  • 2 cloves garlic, minced

  • 1 medium tomato, chopped

  • 1/4 cup water

  • 2 eggs, beaten

  • Salt and pepper to taste

  • 1 tablespoon cooking oil

Instructions:

Igisa ang garlic, onion, at tomatoes sa 1 tablespoon oil. Add the ampalaya and water. Simmer for 3 minutes. Lagyan ng salt and pepper and mix throughly. Add in the eggs, mix well and turn off heat. Set aside for 5 minutes to allow eggs to cook. Add the cooked quinoa then mix well. Serve with grilled chicken or fish.


Enjoy!

242 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page