May ilang mga nagtatanong sa akin kung bakit parang unstable ang kanilang energy level. Minsan ang pakiramdam ay nanghihina, nanglalambot, at tinatamad. Minsan naman ay feeling strong and energetic. Ganito nalang ang kanilang pagtataka dahil parehas lang naman daw ang dami ng kanilang kinakain araw-araw.
Meron din ilan na over weight individuals na natatakot mag-attempt na magbawas ng timbang dahil iniisip nila na manghihina lang sila kapag sila ay nag”diet”.
Ngunit sa kabilang banda, meron akong tinutulungang mga atleta na magbawas ng timbang pero malakas parin ang kanilang pangangatawan at lalo pang na-achieve ang kanilang mga athletic goals sa kabila ng pag-adjust sa kanilang food intake.
Sa katunayan, ang dahilan nito ay ang quality ng pagkain na nasa diet ng isang tao. Lagi ko nirerecommend ang whole-minimally processed foods dahil sa:
ito ay mas nakakabusog
mas madaling makabawas ng timbang
mas nakapagbibigay ng sustained energy release at
maraming vitamins and minerals na makakatulong sa iba’t ibang functions ng katawan
At given na sindami lang ang kinakain mo ngunit ito ay mula sa ultra-processed food sources, ito ay maaring magdulot ng:
mas mabilis na pagkagutom na posibleng dahilan ng panghihina at panlalambot na maari din magdulot ng mas madaming food intake
mas mataas na sodium intake
mas mataas na sugar intake
mas mataas na intake ng unhealthy fats (ang lahat nang ito maaring maging sanhi ng iba’t ibang sakit)
Kung iniisip mo naman na ang hassel kasi mag-meal prep ng whole foods kaya puro ultra-processed foods ang nakakain mo, sikapin nalang na i-combine ito sa mga unprocessed or minimally processed foods. Kahit magsimula sa 50% unprocessed at 50% ultra-processed foods.
There’s always a way to improve your food habits
Comments