Simpleng tanong napakahirap sagutin. Sa totoo lang, pag may nagtatanong sa akin ng mga ganitong one liner question, na parang Yes or No lang ang sagot, sumasakit ang ulo ko. Hindi lang alam ng kausap ko kung gaano kadaming impormasyon ang sinasala ko sa utak ko makabuo lang ng tamang sagot.
There is no such thing as ONE SIZE FITS ALL nutrition and/or hydration advise. Kahit i-google pa, hinding hindi mo mahahanap ang sagot na swak na swak sa specific na pangangailangan mo. Kaya please, ikonsulta na sa mga RNDs na katulad ko.
Heto ang mga tanong na gustong itanong sa mga nagtatanong:
Una sa lahat, ano ba ang ibig sabihin ng “masama”? Nakakataba? Nakakataas ng blood sugar? Yun asukal ba ang tinutukoy na masama? Or yun food color? HIRAP HULAAN...
Sino ba ang iinom or umiinom? May sakit or wala? Elderly? Adult? School-aged child? Athlete or non-athlete? Kung athlete, anong sport? OMGEEE...
Para saan? Thirst-quencher? Ergogenic aid? Energy source? Electrolyte replenishment? Or di mo lang kaya uminom ng walang lasa at walang kulay? WALA LANG...
Kailan mo iinumin? Pag nakaramdam ng uhaw at lagi ka may stock sa ref? Nakita mo sa vendo? Pag nag-eexercise? Or dahil nag grocery ka at wala kang baon na tubig?KALOKAHHH...
Sa totoo lang, walang iisang tamang sagot. Ang hydration guidelines na ibibigay ko sa:
isang taong may medical condition tulad ng non-alcoholic fatty liver,
isang taong gustong pumayat at hindi mahilig uminom ng tubig,
mga magulang na nagsasabing bawal na ang Gat****e sa school ng kanilang anak,
isang atleta na involved sa endurance sport,
isang atleta na involved sa catchweight sport,
isang atleta na involved sa power and strength sport,
isang atleta na involved sa low intensity, aesthetic sport, at
gym goer na gustong magpaganda ng katawan
ay MAGKAKAIBA. There is no such thing as ONE SIZE FITS ALL nutrition and/or hydration advise. Kahit i-google pa, hinding hindi mo mahahanap ang sagot na swak na swak sa specific na pangangailangan mo. Kaya please, ikonsulta na sa mga RNDs na katulad ko.
P.S. For transparency: Ang ilan sa amin mga RNDs ay nagbibigay ng libreng consultations or basic advise. Ngunit, depende sa extent ng advise na hihingin ninyo or kung gaano ka-comprehensive ang program na kailangan ninyo, kami po ay meron din professional fee. Hindi ko na kailangan ipaliwanag kung bakit. Mabuti na po malinaw kesa magkasamaan ng loob kinalaunan.
Peace! ✌🏻
Comments