top of page

Myth or Fact: Uminom ka ng vitamins para may energy ka!

Updated: 4 araw ang nakalipas

Feeling weak ka ba? Yung tipong parang ang lamya ng pakiramdam mo at wala kang gana kumilos… sabay alok sayo ng tropa mong nagbebenta ng vitamin supplements…”Oh! Mag-vitamins ka para magka-energy ka!"

Lalaking masaya, nakasuot ng pulang shirt, hawak ang bote ng multivitamins at naka-thumbs up. Orange stripes sa background.

Wala naman masama sa offer na ito. In fact, gusto lang din nila makatulong. Pero nagbibigay ba talaga ng energy ang mga vitamin and mineral supplements? Ang daming celebrity endorsers kasi ang nagsasabi na nakakapag-palakas or ENERGIZE ang Vitamins XYZ or Supplement ABC.


Sa dami ng kinakain at iniinom natin araw-araw, alin sustansya ba talaga duon ang nag-bibigay ng energy? Ayon sa text book definitions on basic nutrition: Ang macronutrients ay yung mga nutrients na kailangan ng katawan natin in larger amounts. Ang mga ito ay yung NAGBIBIGAY NG ENERGY o calories sa katawan, at ang main sources nito ay carbohydrates, proteins, at fats.



Ang micronutrients naman, ay yung mga nutrients na kailangan ng katawan in small amounts lang, at kilala sila bilang vitamins at minerals. Para silang mga "magic wand" na tumutulong sa katawan na gumawa ng enzymes, hormones, at iba pang substances na kailangan para sa ENERGY METABOLISM o PRODUCTION, sa immune function, blood clotting, at marami pang iba.

Meaning, ang mga macronutrients — carbs, protein, fat, ang totoong nagbibigay ng energy sa katawan at ang mga micronutrients naman— vitamins and minerals, ay tumutulong lang upang magamit ng ating katawan ang energy na mula sa macronutrients.

Kaya naman, kahit na uminom ka ng vitamins araw-araw, HINDI ka talaga nito mabibigyan ng ACTUAL ENERGY na kailangan mo para sa mga daily activities mo. Lalo na kung regular ka nag-e-exercise o di kaya naman ay physically demanding ang iyong trabaho na kinakailangan mong gumalaw ng madalas o pumunta sa iba’t ibang lugar. Para ma-meet mo ang daily energy needs mo, marami pa ang kailangan ng iyong katawan bukod pa sa simpleng pag-inom lang ng vitamin pill.


So ano-ano at gano kadami ba talaga ang dapat na kinakain natin araw-araw para mas may energy tayo? Bago ang lahat ay kailangan muna natin pag-isipan kung gaano kabigat at kadami ang activities in a day. Pag mas physically demanding ang activities, mas madami ang pwedeng kainin. Pag mas sedentary naman ang nature of work or lifestyle, dapat mas konti lang ang kinakain natin. Ang tawag dito ay fueling for the work required”.


Sa ganitong paraan ay masisigurado na makakamit ang sapat na energy na kailangan ng katawan sa isang araw at hindi naman sobra-sobra na kung saan ito ay magdudulot na ng weight gain.

Iba't ibang pagkain tulad ng gulay, prutas, karne, isda, itlog, tinapay, olive oil, at gatas sa isang mesa. Makukulay at masustansya.
Ang mga whole foods ay mga natural at hindi gaanong naprosesong mga pagkain tulad ng prutas, gulay, legumes o beans, nuts, at mga karne na walang dagdag na kemikal o preservatives.

Mainam din kung ang daily diet natin ay WHOLE FOODS BASED para ma-meet din ang mga vitamins and minerals na kailangan ng katawan araw-araw at mas maging efficient ang pag-gamit ng energy na mula sa pagkain. Narito ang sample menu na pwede ninyo sundan:


Day 1:

Breakfast: Wheat bread, potato and egg omelette, apple, coffee and/or milk

Lunch: Rice, beef nilaga with potatoes, ponkan

Dinner: Rice, pesang isda, papaya


Day 2: 

Breakfast: Oatmeal with milk, boiled eggs, banana, coffee or tea

Lunch: Rice, chicken afritada with potatoes and carrots, pineapples

Dinner: Rice, sauteed giniling with potatoes, carrots and peas, papaya


Day 3: 

Breakfast: Rice, beef tapa with scrambled egg, banana, coffee or tea

Lunch: Rice, paksiw na isda, steamed okra with bagoongponkan

Dinner: Rice, pork menudo, upo gisado, melon


Sa mga araw na light lang ang physical workload, maari mo narin bawasan or i-skip ang rice at kainin nalang ang patatas as your main source of carbohydrates. Dahil maliban sa carbs, ito ay mayroon din:

  • Iron which helps in maximizing oxygen delivery in the body and to the working muscles,

  • B-vitamins that helps in energy production,

  • Vitamin C that acts as antioxidant, aids in collagen production, and supports iron absorption,

  • Potassium and magnesium which are minerals needed for muscle function, and

  • Phytonutrients that exerts anti-cholesterol, ant-inflammatory, and anti-cancer benefits.


So ibig bang sabihin ay hindi na kailangan uminom ng vitamin and mineral supplements? Ang sagot diyan ay "it depends". Maaari parin naman uminom nito kung mapili or mahina ka kumain at hindi sapat ang daily vitamin and mineral intake mo mula sa pagkain.


In summary, para masiguradong MAS MAY ENERGY AT MAS HAPPY siguraduhin na sapat ang dami ng pagkain na na-coconsume mo araw-araw at majority dito dapat ay mula sa whole food sources.



Comments


  • Instagram

ABOUT COACH JEANETH ARO

Jeaneth is a practicing Registered Nutritionist-Dietitian (RND) in the Philippines. She holds a Diploma in Sports Nutrition from the International Olympic Committee.

Coach Jeaneth Aro © 2025. All rights reserved.

JOIN OUR SUBSCIPTION

SUBSCRIBED! THANKS FOR JOINING OUR SUBSCRIPTION.

FOLLOW US

  • Facebook
  • YouTube
  • Instagram
  • Twitter
  • TikTok
bottom of page