Alam nyo nung ako ay nag-cocompete pa sa Taekwondo, isang weight loss supplement na naencounter ko ay ang slimming tea.
Although hindi ko nasubukan gumamit nito, mayroon akong mga naririnig na athletes na gumagamit nito para mas mapabilis ang pagbabawas ng timbang.
At hanggang ngayon na ako ay isang sports nutritionist na ay isa din ito sa naenkwentro kong practice ng ilan sa mga athletes. Pero ang tanong: totoo nga bang nakakapayat ang slimming tea? Ito ba ay safe?
Ang ilan sa halimbawa ng tea or tsaa ay green, oolong at black tea (1). At ang green tea ay ang may pinakamataas na EGCG (epigallocatechin-3-gallate) content na syang sinasabing nakaka-stimulate ng fat burning process sa ating katawan. Sinasabi din na ang green tea ay meron catechins na tumutulong upang mabawasan ang naabsorb na fat at carbohydrates mula sa pagkain na kinalaunan ay maaring magdulot ng weight loss.
Karamihan ng mga pag-aaral tungkol sa epekto ng green tea on weight loss ay ginamitan ng encapsulated green tea extracts. May ilang pag-aaral ang nagsasabing may naitutulong ang green tea sa weight loss ngunit hindi lahat ay ganito ang sinasabi. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa nuong 2015, ang pag-inom ng green tea extract na naglalaman ng 560mg EGCG per day (9 capsules) sa loob ng tatlong buwan ng mga normal, oveweight, and obese men and women ay hindi nagdulot ng significant body weight change kumpara sa mga uminom lamang ng placebo. Wala din itong naidulot na benefits on reducing fat absorption. (5)
Sa isang pag-aaral naman sa mga young adults, nakita na nakatulong ang pag-inom ng 4g green tea extract (na may 357.6mg EGCG) upang mapababa by upto 29% ang starch digestion and absorption (6).
Nguint, hindi ito pruweba mga friends na pwede na kayo uminom ng slimming green tea or green tea extract basta basta. Dahil, mayroon din mga pag-aaral na nagpapakita ng pruweba na ang paginom ng green tea extract either in supplement form or in brewable form or tea bags or infusions ay nagdudulot ng liver toxicity and liver injury lalo na kung sobrang taas ng inyong consumption.
At para sa mga athletes lalo na yung mga nagcocompete abroad, ipinapayo ko na iwasan ninyo ang pag-inom ng mga ganitong klaseng slimming teas dahil may mga formulations na minsan ay sinasamahan ng mga manufacturers ng banned substances upang mas lalong mawalan ng ganang kumain ang sino mang iinom nito na syang maaring maging sanhi ng inadvertent doping (2,7).
References:
doi: 10.1111/j.1467-789X.2011.00908.x
https://doi.org/10.1016/j.fct.2018.10.051
https://doi.org/10.1123/ijsn.4.3.280
https://doi.org/10.1113/jphysiol.2010.201343
https://doi.org/10.3945/jn.114.207829
doi: 10.1038/srep12015 (2015)
https://www.consumerlab.com/reviews/green-tea-review-tea-bags-matcha-supplements/green-tea/#whatitdoes
Bình luận