top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

Ok bang uminom ng Co*ra energy drink?

Ang mga inumin tulad ng Cobra ay kabilang sa klase ng beverages na kung tawagin ay “energy drinks”. Ang mga energy drinks ay hindi kaparehas ng “sports drinks” dahil mas concentrated ang carbohydrates nito kumpara sa sports drinks. Ang mga sports drinks ay mas madalas na pino-promote sa mga taong active at mahilig mag exercise.

Maliban sa asukal at mga electrolytes, meron din ibang ingredients ang energy drinks na maaaring makatulong sa mental at physical performance.


Many years ago, kinontrata ako ng isang malaking pharma/supplements company na gumawa ng isang review paper para sa kanilang brand ng energy drink. Ang ingredients ng kanilang energy drink ay halos magkaparehas sa litratong nasa taas.


Panoorin ang video ko dito upang malaman ang nutrition information ng iba't ibang drinks na madalas iniinom ng mga tao tuwing nag e-exercise. Kasama na dito ang energy drink.

Sinabi ko agad sa kanila na yung mga naka highlight na ingredients ay mahina ang scientific evidence o hindi pa masusing napag-aralan at napapatunayan ang effectiveness at optimum dose ng concentration ng mga ito maliban sa mga sumusunod na ingredients:

  1. Carbohydrates (Sugar): marami ng pag aaral ang ginawa na sumusuporta sa role nito pag dating sa physical performance. Iba-iba ang carbohydrate recommendations na naka depende sa intensity at duration (haba) ng activity. At napakahalaga na malaman natin na ang SIMPLE CARBS (sugar) ay importante para sa mga active individuals na TAMA ANG CONCENTRATIONS AT GINAGAMIT SA TAMANG ORAS. Ngunit sa kabilang banda, maaari din magdulot ng pag taas ng timbang at ng mga lifestyle diseases (sakit) kung sobra sobra ang pag consume natin ng simple carbohydrates.

  2. Caffeine: isa din itong performance enhancing (nagpapabuti) compound na makikita sa mga energy drinks na masusing pinag aralan. Napag-alaman sa mga pag aaral na ang caffeine ay nakakapag-improve ng sports and exercise performance at nakakapag-pataas ng level of alertness sa mga oras na kulang ang tulog.

Ang iba pang ingredients na makikita sa energy drinks ay kadalasan mga palamuti na lamang at ang mga pag-aaral na ginawa patungkol sa mga ingredients na ito ay inconclusive (hindi sigurado) o not yet known (hindi pa nalalaman) ang effective dosage.

Side note: ang pagdagdag ng vitamin B complex ay hindi naman na kailangan dahil ito ay madaling nakukuha sa mga pagkain na whole foods.

So ano ang advise o payo ang pwede kong maibahagi sa mga taong kasalukuyang umiinom ng mga energy drinks?

  1. Alamin muna kung ano ang rason kung bakit niyo ito iniinom

  2. Kailangan niyong isaalang-alang din ang energy contribution (calories) nito depende sa pang araw araw na pangangailangan niyo. Dahil kung nagiging madalas na ang pag inom niyo nito at nagdudulot ng sobra sobrang pag consume ng calories ay hindi din ito makakabuti sa inyong kalusugan.

Kayo ba? Umiinom ba kayo ng energy drinks? Meron ka bang specific na reason kung bakit mo ito iniinom? Ano ano ang mga ito? O baka naman meron kayong kilala na madalas na umiinom nito?

Panoorin ang video ko dito upang malaman naman ang sports drinks at kung paano ito makakatulong sa exercise performance ninyo.

References: (1) Campbell et al (2013) JISSN (2) Kreider et al (2010) JISSN (3) Maughan et al (2018) Br J Sports Med

1,565 view0 komento

Comments


bottom of page