top of page
Larawan ng writerCoach Jeaneth Aro

One Meal a Day Diet: Is it a Viable Weight Loss Strategy?

Naranasan niyo na ba mga friends na sa tuwing maghahanda kayo para sa isang okasyon eh pipili kayo ng damit na imbes na mag kasya sa inyo eh kayo dapat ang magkasya? Ang ganitong behavior ng mga tao ang dahilan kung bakit naglipana ang mga rapid weight loss diet regimens para lamang maging body ready sa isang okasyon.

Ang isa sa mga fast results and calorie restrictive diet regimens na nau-uso ngayon ay ang OMAD o One Meal A Day Diet. Ito ay isang time-restricted eating regimen na mas extreme pa kaysa sa intermittent fasting. As the name implies, isang meal lang ang maaring i-consume sa loob ng isang araw. Followers of this diet avoid calorie containing foods or drinks from 18 to 23 hours in a day. Oh diba, di hamak na mas malupit ito kesa sa mga alam natin na 16:8 o 14:10 intermittent fasting regimen?


Sa OMAD, ang lahat ng food na maaring kainin ay dapat makain in one sitting. Maaring mamili ang dieter kung anong meal ang gusto nyang kainin, whether breakfast ba, lunch or dinner. Wala naman strict rules pag dating sa klase ng pagkain na dapat piliin maging sa ideal amount of calories na dapat ma-consume. Pero syempre pag weight loss ang usapan, kailangan ay meron negative calorie balance or calorie deficit.


Sinasabi na ang OMAD ay nakakapayat. Ngunit, kailangan natin tandaan na ito ay dahil kalimitang mas kaunti ang total calories na nacoconsume sa diet lalo na kung limitado lamang ang oras ng pagkain. At, ang weight loss na naidudulot ng fasting dahil sa lower overall calorie intake ay hindi din naman kaibahan kumpara sa ibang calorie-restricted diets ayon sa pag-aaral (1). 


Ang fasting ay may iba pang health benefits maliban sa weight loss tulad ng (2):

  • reduction in total cholesterol, triglycerides and LDL cholesterol

  • improvement in blood pressure control (4)

  • inhibition of atherosclerotic plaque formation

  • improvements in glucose metabolism

  • increased insulin sensitivity 


At ang mga health benefits na ito ay hindi exclusive effect ng OMAD kundi sa fasting in general.

Ayon sa isang pag-aaral, ang one meal a day ay “feasible diet strategy” only for a short duration with a subject withdrawal rate of 28.6%. So halos 3 sa 10 sumusubok nito ay hindi ito nakakayanan i-sustain.

Ito ay dahil sa mas nakakaramdam sila ng gutom, mas naghahanap ng pagkain, at mas lalong tumataas ang likelihood ng pagiging “takaw mata” (i.e. prospective consumption) ngunit mas nababawasan ang feeling of fullness (3). At syempre, pag ganito ang pakiramdam mo, mas tumataas ang likelihood na mag-crave sa mga pagkain na high in calories at highly processed foods tulad ng pizza, doughnuts, ice cream and fast foods at bumababa ang chance na healthy ang food na makakain mo.


Hindi din ito inirerekomenda ng mga experts sa mga taong may hormonal imbalance, pregnant and breast feeding women, diabetics, children, teens and older adults, and to people with eating disorders (2).


Kung sakaling pinag-iisipan ninyo na subukan ang OMAD, I suggest na na i-consider ninyo ang mga bagay na ito:


  1. weight loss — siguraduhin na may calorie deficit parin habang nag-fasting

  2. exercise performance needs — kung performance ang habol mo, importante ang adequate calories and tamang timing ng food intake relative to exercise. With performance I mean to become the best athlete in the game, not just beating your own personal record or best time.

  3. muscle protein balance — for optimum muscle maintenance, need mo kumain ng protein foods at 4x/day at regular intervals

  4. sustainability issues — dahil lagi kang gutom baka ang ending eh layasan ka ng mga kaibigan at pamilya mo sa sobrang sungit mo. kung pag-fasting talaga ang habol mo, duon ka na sa mas manageable na time-restricted feeding regimen (16:8 or 14:10), kahit paano mas pak sa totoong buhay 

  5. overall quality of life — tao po tayo, hindi lab rats. ang pagkain ay parte ng buhay at kasiyahan natin


Alam niyo ba mga friends na from time to time ginagawa ko ang OMAD eh, pag sobrang busy sa mga sporting events na pinupuntahan ko tapos no opportunity to eat talaga. It’s really not by choice that I do it kaya tuloy the following day feeling ko magkakasakit ako. 


Laging tandaan, na ano man ang health and weight goal mo, sustainability and consistency are the keys. Find a regimen that will fit your health needs, financial capabilities and your lifestyle. Kung kayo ay may pamilya, isama nyo narin sa listahan ang lifestyle at preferences ng pamilya nyo na siguradong makaka-apekto sa sustainability ng gagawin ninyong diet regimen. 




References:

(4) doi: 10.1016/j.cmet.2018.04.010


37 view0 komento

Comentarios


bottom of page