32 pesos (Thick and Creamy) vs 18 pesos (Original). Hindi ba kayo nagtataka bakit ang laki ng deperensya sa presyo? Ibig bang sabihin, pag mas mahal mas ok?
Ngayon panahon ng pandemya, may ilang mga consumers ang mas naging conscious sa kanilang intake ng mga pagkaing mayroon or mayaman sa probiotics.
Ang probiotics kasi ay mga “friendly bacteria” na maaring makatulong sa pag-papalakas ng ating immune system function. At ang yogurt ay isa sa mga pagkain na mayroong probiotics.
Ngayon, tignan natin kung anong difference ng dalawang yogurt na ito mula sa SAME MANUFACTURER
PRICE
Halos doble ang presyo ng thick and creamy (purple) variant ng brand ng yogurt na ito compared sa original (red) variant. So kung marami kayo sa pamilya na kakain ng yogurt at kailangan pagkasyahin ang budget, it makes sense na piliin ang ORIGINAL variant. At yes, tama ang desisyon mo, dahil hindi ka dehado sa nutrient content nito! BASAHIN PA NANG MALAMAN KUNG BAKIT
INGREDIENTS
Sa thick and creamy, ang primary ingredients ay pasteurized WHOLE MILK at CREAM, fruit prep with dextrose, at sugar. Sa original variant naman ay pasteurized PARTIALLY SKIMMED MILK sugar, at stabilizers.
TASTE
At dahil totally different ang kanilang main ingredients, ito ang major reason kung bakit magkaiba ang kanilang lasa… syempre mas creamy and milky ang purple variant. Samantalang di hamak na mas light ang lasa ng red variant. Hindi din naman masyadong nalalayo ang level of sweetness nila.
ENERGY/CALORIES:
Ang 1 serving (100g) ng purple variant ay 130kcal. Samantalang nasa 90kcal lang ang makukuha mula sa 1 serving (100g) ng red variant. Mas mababa ng 30% ang calorie content ng original kesa sa thick and creamy. Ito ay maatribute natin sa iba’t-ibang level ng kanilang energy-yielding macronutrient contents.
MACROS: CARBS, PROTEIN, FAT
Ang total carb content ng 1 serv. purple variant ay 16g at 14g naman ang sa 1 serv. ng red variant. Parehas lang sila na halos walang dietary fiber. Take note lang din na di hamak na mas mababa ang carbs (7-8g/100g) ng NATURAL yogurt na with no added sugar.
Pag dating sa total protein content, parehas lang sila na may 3g protein. Which proves na ang protein from whole milk vs from skimmed milk na main ingredients ng yogurts na ito ay same lang.
Ang total fat content naman ng 1 serv. purple variant ay 6g at 2g naman ang sa 1 serv. ng red variant. Dito sila nagka-iba dahil narin sa klase ng base milk na ginamit at pag-alis ng cream sa original variant kaya mas mababa ang total fat (atcholesterol) nito.
MINERALS: CALCIUM AND ZINC
Ang calcium content ng 1 serv. purple variant ay 92g at 100g naman ang sa 1 serv. ng red variant.
At pag dating sa zinc content, ang 1 serv. purple variant ay may 0.34mg at 0.73mg naman ang sa 1 serv. ng red variant. Tandaan na ang zinc ay ang isa sa mga mineral na kailangan din pagtuunan ng pansin na maconsume natin ng sapat dahil malaki ang naitutulong nito para sa ating immune function.
SO, ANO ANG MAS OK?
Given the huge difference in cost but minute difference in nutrient profile, obviously DUN TAYO NGAYON SA MAS MURA na ORIGINAL VARIANT. Ito ang isa sa mga pagkakataon na hindi porke’t mas mahal ay mas beneficial.
Ngunit, kung nais ninyo na MAS MAG-BENEFIT sa pag-consume ng yogurt, piliin ang NATURAL at NO ADDED SUGAR na variant at mag-dagdag na lamang ng FRESH FRUITS para mas lalong makatulong sa inyong kalusugan.
Comments