Marami sa ating ang kino-consider na diet food ang tuna sandwich. Pero ang totoo, hindi sa lahat ng oras ay “calorie-saver” ang tuna sandwich.
Kung isa ka na sa nalilito kung alin nga ba ang ok na gamitin as dressing para sa diet sandwich filling mo, heto, i-kumpara natin ang dalawang klase ng mayo dressing na madalas natin makita sa groceries.
MAIN INGREDIENTS
Sa front label ng LADY’S CHOICE REAL MAYONNAISE, nakasulat na “made with real eggs”. Then makikita sa likod na ang primary ingredient nito ay soybean oil, water, eggs, sugar, vinegar…”. Note that ingredients are listed by weight. So ok, justified ang claim
Pag chineck naman natin ang ingredients list ng BEST FOOD MAYO MAGIC, nakalagay dito ay “water, soybean oil, sugar, vinegar, eggs…”
Uy, may eggs din! So “made with real eggs” din naman pala sya di lang sinulat sa harap ng packaging. Most likely because mas konti na ang eggs na ginamit dito dahil 5th na sya sa ingredients list compared sa real mayonnaise na 3rd sa ingredients list ang eggs. At dahil dito ay may ipinag-kaiba sila sa lasa.
TASTE
Sa totoo lang, mas rich and creamy ang lasa ng REAL MAYO samantalang ang MAYO MAGIC naman ay mas tangy and slightly sweeter. This is because of the higher proportion of sugar and vinegar. Pero nandun parin naman ang creamy taste sa mayo magic, hindi lang nga kasing rich nung sa real mayo.
Dahil sa difference ng amount ng main ingredients which definitely influenced their taste, syempre pati ang calories, fat, and cholesterol nila ay magkaiba din.
CALORIES
Per 15g or 1 tablespoon (i.e. kuchara hindi kucharita at mas lalong hindi serving spoon ) ng real mayo ay meron 105kcal. Samantalang ang mayo magic naman ay may 47kcal per tablespoon. Which means 123% higher ang caloric content ng real mayo compared sa mayo magic.
At depende sa ilalagay ninyo sa tuna salad or sandwich filling kung gaano kadami ang magiging calorie difference. If for example 2 tablespoons ng real mayo ang ginamit mo, this means may extra 116kcal kang maco-consume compared kung mayo magic ang gagamitin mo.
For a visual estimate, the extra 116 kcal is equivalent to approximately 1/2 cup rice .
FAT AND CHOLESTEROL
Ang total fat grams ng real mayo ay 11g/tablespoon. Samantalang 4g/tablespoon naman ang sa mayo magic. Ang cholesterol content naman ng real mayo ay 10mg/tablespoon. Samantalang 5mg/tablespoon naman ang sa mayo magic.
Di hamak na mas mataas syempre ang sa mas masarap na real mayonnaise. At ang difference na ito ay maa-attribute natin sa amount ng soybean oil at eggs na ginamit.
PRICE
Ang SRP ng 80ml sachet ng real mayo ay P29.50 samantalagang ang 80ml sachet ng mayo magic naman P19.50. Take note na ang dalawang products na ito ay mula sa parehas na food company.
SO ALIN ANG DAPAT MONG PILIIN?
Kung may okasyon at gusto mong maging malasa ang tuna salad/sandwich filling mo, pwedeng gamitin ang REAL MAYONNAISE basta’t paminsan minsan lang
Pwede din naman na 60-40 (mayo magic-real mayo) ang gamitin sa recipe para makabawas sa calories, fat, at cholesterol pero andun parin ang rich and creamy taste ng real mayonnaise.
Pero kung ok lang naman sayo na hindi masyadong creamy ang lasa at gusto mong makabawas sa calories, piliin mo ang MAYO MAGIC.Para naman sa kailangang magpababa ng blood cholesterol at iba pang biomarkers ng metabolic at cardiovascular disease, mas ok din na MAYO MAGIC ang piliin.
At kung gusto nyo na talagang sagarin ang healthiness ng tuna filling, i-skip na ang mayo dressing at LEMON OR KALAMANSI, SALT, and PEPPER nalang ang idagdag sa tuna para NO ADDITIONAL CALORIES na
Full disclosure: I am not sponsored by this company
Σχόλια