Samut-saring brands at klase ng gatas ang nasa grocery. Fresh, low fat, non-fat milk. Anong pagkakaiba? Eh yun skimmed ano naman yun? Lahat naman sila ay mukhang pare-parehas lang ang itsura
Siguro kung hindi ako nutritionist malamang ay pipiliin ko ang brand ng gatas na mas madalas kong napapanood ang commercial
Ang totoo ay... the best type of milk is the one that suits your own personal needs
Narito ang aking recommendations sa klase ng gatas na pwede ninyong inumin:
Fresh or Whole Milk: Para sa mga bata at adolescents, mga taong walang iniindang sakit, mga active individuals or athletes na nasa hustong timbang or walang hinahabol na timbang para sa sports
Lowfat Milk: Para sa mga taong gustong magtipid sa calories dahil gustong mag-maintain ng timbang or kahit paano ay maimprove ang kalusugan pero hindi kayang i-sacrifice ang “creaminess” ng gatas
Skimmed or Nonfat Milk: Para sa mga taong may mas aggressive na health or weight management goals, athlete or non athlete, at ok lang na medyo mas matabang ang lasa ng gatas (sabi ng iba parang lasang tubig daw)
Pero ako po hanggat maari, nonfat ang iniinom ko
Maari nyo din pag-aralan ang illustration na ito nang malaman ang ilan pang pagkakaiba ng mga klase ng dairy milk.
References:
FEL FNRI-DOST
USDA Food Composition Database
Comentarios